^

Bansa

OFWs sa Iraq umakyat na sa 6,053

-
Sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaan na tumungo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq, patuloy na tumataas ang bilang ng mga manggagawang pumupuslit patungo doon.

Inamin ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa House committee on appropriations na umaabot na sa 6,053 OFWs ngayon ang nasa Iraq sa gitna nang ipinatutupad na ban ng gobyerno bunga na rin ng patuloy na karahasan doon at sa naganap na pagbihag sa Pinoy truck driver na si Angelo dela Cruz ng mga Iraqi militants.

Sinabi ng DFA na 25 porsyento ng nasabing bilang ay posibleng ipinuslit lamang ng kanilang mga recruiters matapos ipairal ang ban.

Ayon kay Rep. Rolando Andaya Jr., chairman ng komite na lumalabas na talagang madiskarte ang mga Pinoy at hindi sila mapipigil ng ban kahit pa delikado ang magtrabaho sa nasabing bansa.

"Ang Pilipinong nagigipit, kahit sa Iraq sisirit," ani Andaya.

Mas marami pa aniya ngayon ang mga Pinoy sa Baghdad kumpara sa mga registered voters sa kapitolyo ng Basco, Batanes.

Aniya, ang 6,053 na manggagawang Pilipino sa Iraq ay nakakalat sa iba’t ibang bayan dito kabilang na ang mga battlegrounds at sa mismong bayan ng pinatalsik na Iraqi president na si Saddam Hussein sa Tikrit.

Base sa ulat ng DFA, may 2,500 Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa United States military camp sa Camp Victory; 1,450 sa Camp Anaconda; 1,000 sa Camp Cooke (Taji); 400 sa Mosul; 300 sa Tikrit; 51 sa Nasiriyah; 300 sa Fallujah, Ramadi, Al Assad, at Sadr City; at 52 sa bayan ng Baquba. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AL ASSAD

ANG PILIPINONG

CAMP ANACONDA

CAMP COOKE

CAMP VICTORY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

MALOU RONGALERIOS

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with