'Political pressure' sa DOJ ang kaso ng Fil-Sham players
October 13, 2004 | 12:00am
Maituturing umano na "political pressure" ang nagaganap sa loob ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa usapin sa Fil-Sham players ng Philippine Basketball Association (PBA).
Sinabi ng isang reliable source na mayroong isang team owner sa PBA ang nasa likod ng matinding pagdedeklara sa DOJ na ang walong PBA players ay hindi tunay na Filipino.
Idinagdag ng source na ang naturang team manager ay humingi ng tulong sa isa sa kongresista upang maisulong ang deportasyon sa walong Fil-Sham players na pinangungunahan ni Paul Asi Taulava.
Sinasabing si Taulava ay pinupursigeng mai-deport dahil ito umano ang malakas at nagpapanalo sa laro ng koponang Talk N Text.
Una ng inamin ni Justice Sec. Raul Gonzales na mayroon na siyang natatanggap na mga tawag mula sa ilang senador at congressman kung saan tinatanong umano siya kung ano ang tunay na naging desisyon ng DOJ hinggil sa pagiging pekeng Pinoy ng basketbolista na sina Taulava, Jonathan William Ordonio, Andrew John Seigle, Davon Harp, Rudolf Hatfield, Michael Pennisi, Allan Dorian Pena at Alex Crisano.
"No one can pressure Justice Sec. Raul Gonzales. I will rule in accordance with law," anang Kalihim.
Binigyan-diin ni Gonzales na hindi pakikialam ng DOJ ang desisyon ng Manila Regional Trial Court laban sa Talk N Text player na si Taulava dahil maaari aniya silang patawan ng contempt. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended