^

Bansa

Rollback ng gasolina, tiyak na

-
Ipapatupad ang rollback o pagbaba ng presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ni Energy Sec. Vincent Perez sa kanyang pagdalo sa lingguhang Kapihan sa Sulo Hotel forum sa Quezon City kahapon.

"Gasoline users will have a sweet rollback. But we will continue monitoring prices," ani Perez.

Sinabi ni Perez na ang presyo ng gasoline products ay inaasahang makukumpletong maibababa sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, marami aniyang gasoline dealers ang nagbaba na ng presyo ng mga ibinebentang petrolyo ng hanggang 25 sentimo kada litro.

Maging ang Shell aniya ay nagbaba na rin ng kanilang presyo ng gasolina ng 25 sentimo kada litro.

Binanggit ni Perez na ang pagbaba ng presyo ng gasoline products ay bunga rin ng pagbaba ng petroleum products sa world market.

Aniya, ang global price ng gasolina ay bumagsak mula $51 kada bariles noong nakalipas na buwan sa $48 kada bariles.

Gayunman, sa kabila ng roll back sa presyo ng petroleum products ay magtataas pa rin ang presyo ng diesel.

Ang presyo ng diesel ay tumaas mula $51 kada bariles noong nakalipas na buwan sa $56.62 per barrel ngayong buwan. (Ulat ni Mike Frialde)

ANIYA

BINANGGIT

ENERGY SEC

GAYUNMAN

MIKE FRIALDE

PEREZ

PRESYO

QUEZON CITY

SULO HOTEL

VINCENT PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with