6-buwang extension kay Gen. Aglipay, regalo ng Napolcom
September 13, 2004 | 12:00am
Anim na buwang extension ang ibinigay na regalo ng National Police Commission (Napolcom) para sa ika-56 taong kaarawan ngayon ni Dir. General Edgar Aglipay bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Napolcom vice chairman Linda Malenab-Hornilla sa bisa ng en-banc resolution na ipinalabas ng Napolcom, binigyan nila ng anim na buwang extension si Aglipay upang mapalawig pa ang panunungkulan nito bilang pinuno ng PNP bilang regalo nito sa kanyang kaarawan kasabay ng takdang pagreretiro nito sa pulisya ngayong araw.
Sa bisperas ng kaarawan ni Aglipay kahapon ginanap ang isang turn-over ceremony para sa bagong district director ng Southern Police District (SPD) sa katauhan ni Chief Supt. Wilfredo Garcia kapalit ni outgoing SPD director Chief Supt. Prospero Noble.
Bilang bahagi ng malawakang rigodon ng PNP, tinanggal ni Aglipay si Noble sa SPD at itinalaga ito bilang bagong Deputy Director for administration sa NCRPO.
Sinabi ni Garcia na isa sa kanyang pangunahing target sa kanyang hurisdiksiyon ay ang pagtutok sa mga tamad at kotong cops. Paiigtingin ang police visibility, mahigpit na pagbabantay sa mga embahada na nasa area ng SPD, at pagdadagdag pa ng pulis sa mga matataong lugar laban sa posibleng pag-atake ng mga terorista at iba pang masasamang elemento.
Nauna rito, inianunsyo rin ni Pangulong Arroyo ang 6-buwang extension ni Aglipay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended