Ayon kay Foreign Affairs Usec. Jose Brillantes, nagsipagbalikan na sa kanilang trabaho matapos ang isang araw na negosasyon ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa nabanggit na mga manggagawa.
Naayos na rin ang gusot sa pagitan ng mga mangingisda at sa kumpanyang RP Tuna Ventures, Inc., isang Philippine-owned tuna-caning company na inireklamo nila dahil sa hindi pagbibigay ng tamang suweldo at ibang benepisyo.
Hindi naman kinasuhan ng ship owner ang mga nag-aklas na mga mangingisda at maging ang pamahalaan ng Papua New Guinea kung saan naglayag ang mga barkong kanilang tinangay ay hindi rin nagsampa ng kaso dahil na rin sa pakikipag-usap ni Ambassador Bienvenido Tejano.
Gagastusan naman ng nabanggit na kumpanya ang repatriation ng mga mangingisda na nagpayag ng kanilang kagustuhang bumalik na lang sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)