Pinay inalipin sa US, binayaran ng P31-M
August 28, 2004 | 12:00am
Isang Filipina immigrant sa Estados Unidos na inalipin at ginawang domestic slave sa loob ng isang taon ang nanalo sa kaso at ginawaran ng kabuuang danyos na P31 milyon o US$551,000.
Base sa naging desisyon ng Los Angeles Superior Court Jury, pinaboran lahat ang mga inihaing reklamo ng Pinay na si Nena Ruiz, 61, dating guro, gaya ng "involuntary servitude, false imprisonment, invasion of privacy, negligence at wage violations" laban sa kanyang among si James Jackson, vice president for legal affairs ng kilalang Sony Pictures Entertainment sa Hollywood at sa asawa nitong si Elizabeth.
Mula sa nasabing halaga, US$275,000 dito ay kabayaran sa mga hindi natanggap na suweldo ni Ruiz mula sa mag-asawa.
Sa sinumpaang testimonya ni Ruiz, sinabi nito na mula noong Pebrero 2001 ay hindi na siya pinayagang makalabas pa sa tirahan ng mga Jackson matapos na itago ang kanyang pasaporte at ibang travel documents.
Bukod dito, umabot lamang sa $300 ang nakukuha nitong sahod sa pagseserbisyo sa loob ng isang taon, pero ang pinakamasaklap ay pinatutulog pa ito sa kama ng mga aso.
Sinabi ni Ruiz sa korte na nagtungo siya sa Amerika upang alagaan ang kanyang mother-in-law na nakaratay dahil sa sakit na lymphoma subalit kinuha umano siya ng mag-asawang Jackson matapos na hindi matuloy ang kanyang orihinal na papasukang trabaho doon.
Aniya, sinubukan niyang magpaalam sa kanyang mga amo subalit pinilit siyang manatili at tinakot na isusuplong sa mga awtoridad kapag tumakas.
Matapos ang ginawang imbestigasyon ng US Federal Prosecutors sa pagpapatuloy ng kaso ni Ruiz ay napatunayang nagsasabi ito ng katotohanan.
Pinabulaanan naman ni Jackson ang mga alegasyon ng naturang Pinay at iginiit nito na maraming beses na niyang pinauuwi si Ruiz sa Pilipinas subalit tumatanggi umano ito at sinabing nais pa niyang manatili doon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended