3 testigo sa 'Ninoy' ilalantad
August 19, 2004 | 12:00am
Tatlong bagong witness ang hawak ngayon ng Public Attorneys Office (PAO) upang gamitin sa posibleng pagbubukas ng kasong pagpatay kay dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino.
Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, tatlong testigo ang kanilang nakuha upang kumumpirma sa mga nauna nang inihayag ng akusado na si Pablo Martinez na ang tunay na mastermind sa pagpatay kay Ninoy at kay Rolando Galman ay buhay pa at ito ay malapit sa dating Pangulong Cory Aquino.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Acosta ang nasabing mga witnesses upang matiyak ang seguridad ng mga ito. Tinitiyak lamang ng PAO na sa lalong madaling panahon ay kukuhanan ng statement ang tatlong nasabing testigo dahil naniniwala ito na may mabigat na merito ang mga bagong statement na kanilang ibibigay.
Pansamantala naman na hindi inilalabas ng PAO ang bagong ibinunyag ni Martinez dahil na rin sa pangambang iurong nito ang mga sensitibong impormasyon na ibinigay nito sa PAO.
Aniya, ang nasabing statement ay hindi pa nasusumpaan ni Martinez kaya itoy hindi tatayo sa hukuman sa oras na mabuksan muli ang nabanggit na kaso.
Sinabi ni Martinez na nagkakaroon na siya ng matinding conviction dahil nadamay ang 14 akusadong pawang inosente sa kaso. Ang nasabing udyok ng konsensiya ay naramdaman umano ni Martinez simula noong siya ay sumapi sa grupo ng mga born-again sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Aniya, kasama umano sa nagpapatay sa dating senador ay mga nagngangalang Capt. Felipe Balerio, Col. Romeo Ochoco at isang negosyante umano na si Heronimo Gusueco. Ginawa umano ng mga ito ang plano simula Agosto 19-21, 1983 sa 6th floor ng Carlton Hotel sa Baclaran, Parañaque.
May 21 taon na ang nakalipas ng mabaril at mapatay si Ninoy sa tarmac ng dating Manila International Airport. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended