^

Bansa

Keanna kakasuhan 'pag hindi pinangalanan ang mga solon

-
Dahil damay lahat ng congressmen sa ginawang pagbubunyag ni Keanna Reeves kaugnay sa escort service, nagbabala kahapon si Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman na kakasuhan niya ang starlet kapag napatunayang gimik lamang ang kanyang ginawa at hindi nito papangalanan ang sinasabing mga mambabatas na naging kliyente niya.

Sinabi ni Rep. Hataman na malaking kasiraan at iskandalo sa buong Kongreso ang ginawang pagbubunyag ni Reeves dahil naging suspek ang lahat ng kongresista sa naturang akusasyon.

Ayon pa kay Hataman, dahil sa aminado si Reeves sa kanyang trabaho, puwede itong kasuhan dahil sa paglabag sa Anti-Prostitution Law.

Ipinaliwanag ni Hataman na wala silang galit kay Reeves at naiintindihan niya ang kalagayan nito pero dapat niyang tukuyin kung sino ang mga naging kliyente niyang opisyal ng gobyerno upang malinis naman ang imahe ng Kongreso.

Sinuportahan din ni Albay Rep. Edcel Lagman si Hataman sa pahayag nitong dapat maging kumpleto ang pagbubunyag ni Reeves upang maisalba naman ang mga inosenteng kongresista.

Maaari aniyang pumasok sa Witness Protection Program si Reeves upang mabigyan ng proteksiyon kung natatakot itong ihayag ang pangalan ng kanyang mga naging kliyente.

Itutuloy pa rin ng kinauukulang komite sa Kongreso ang ginawang pagbubunyag ni Reeves tungkol sa escort service na ginagamit bilang front ng prostitusyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALBAY REP

ANAK MINDANAO REP

ANTI-PROSTITUTION LAW

EDCEL LAGMAN

HATAMAN

KEANNA REEVES

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

MUJIV HATAMAN

REEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with