P2-M pabuya sa ulo ng killers ng newsmen
August 16, 2004 | 12:00am
Nag-alok si House Speaker Jose de Venecia ng halagang P2 milyong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga taong responsable at nasa likod ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa nagdaang dalawang linggo.
Sinabi ni de Venecia sa mga local newsmen sa Dagupan City na una na siyang nag-alok ng P1 milyon pabuya, P500,000 dito ay manggagaling sa sariling bulsa nito at ang kalahating milyon ay magmumula sa kanyang pork barrel funds.
Gayunman, kahapon ay inihayag ng House Speaker na tataasan niya ito sa P2 milyon kung saan ang karagdagang P1 milyon ay magmumula sa mga kasamahan nitong Kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
"When they kill media representatives, thats a direct assault and threat to press freedom. You know they want to frighten you from exposing corruption and misbehavior in the provinces," ani de Venecia sa mga newshen.
Bagaman nakahanda siyang maglabas ng pabuya, nanawagan si de Venecia sa mga mediamen na maging responsable sa kanilang pagbabalita at pagbatikos. Dapat aniya ay iwasan ding maging abusado ang mga ito.
Niliwanag ni de Venecia na ang pagbibigay ng reward systeam ay epektibo.
Inihalintulad niya na matagumpay ang paglalaan nito noon ng halagang P300,000 bilang reward money laban sa mga kidnapping syndicates at drug lords na naging daan ng pagkaka-aresto ng mga kidnappers at drug traffickers at ang pagkakabuwag ng mga nabanggit na sindikato.
Samantala, susugod ngayong araw sa Camp Crame ang mga miyembro ng National Press Club (NPC), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Press Photographers of the Philippines (PPP) upang iprotesta ang sunud-sunod na pagpatay sa mga reporters at broadcasters sa ibat ibang panig ng bansa dahil sa pagiging inutil ng PNP na lutasin ang mga kaso ng pinaslang at hanggang sa ngayon ay wala pang nahuhuling mga salarin.
Sinabi ni Caloy Conde, Pangulo ng NUJP-Davao Chapter na tuloy ang assembly ng mga reporters at photographers dakong alas-9 ng umaga sa Soliven Tower malapit sa Santolan MRT Station, harap ng PNP Headquarters.
Naitala ng NUJP na may 55 journalists na ang napapaslang simula noong 1996 kabilang dito ang kasong kontrobersyal na pagpatay sa beterano at kilalang kolumnista ng Peoples Tonight na si Danny Hernandez. Habang ngayong taon ay anim ang pinatay, apat dito ay naganap sa loob lamang ng dalawang linggo.
"The failure by the authorities to solve the killing over the years is astounding. Not even President Arroyos directive to PNP Chief Hermogenes Ebdane to resolve these murders has produced any positive results. Thus, the climate of impunity against journalists persisted," anang grupo. (Ulat nina Eva Visperas, Ellen Fernando at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am