^

Bansa

Sundalo sama na sa media coverage hahasain pa sa TV reporting

-
Isang malaking insulto umano ang kontrobersyal na panukala ng Armed Forces of the Philipines (AFP) na sumama sa coverage ng mga reporter ang tropa ng mga sundalo upang mapag-ibayo pa ang kampanya laban sa terorismo.

Ito ang nagkakaisang pagtutol kahapon ng samahan ng mediamen sa suhestiyon ni Brig. Gen. Victor Corpus, chief ng AFP-Civil Relations Service na isama sa regular na media coverage at hahasain sa TV reporting ang mga sundalo.

Sa isang liham na ipinadala kay AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), nagbabala ang mga ito na kung itutuloy ang hakbang ay magreresulta lang ito sa paglabag sa karapatan sa pamamahayag at lilitaw na nag-eespiya lamang ang mga sundalo sa media.

Bukod dito ay mas matindi ang iiral na news blackout at pagharang sa lehitimong mga mediamen sa mga delikado at sensitibong sitwasyon.

Ayon sa NUJP, ang nasabing panukala ng AFP ay lubhang mapanganib at bahagdan para sa pagpapairal ng news blackout na maaaring pairalin ng pamahalaan.

Nauunawaan ng NUJP ang paghahangad ng AFP na maiulat ang kanilang sariling bersiyon sa mga kaganapan sa aktibidad ng militar partikular na sa terorismo pero hindi anya akma na pati pamamahayag ay tila ibig na rin nilang makontrol.

Tinatayang mahigit 30 sundalo mula sa tatlong service commands ang sasanayin sa actual na media coverage sa loob ng 10 araw na seminar-workshop na mag-uumpisa sa susunod na linggo. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPINES

AYON

BRODKASTER

CHIEF OF STAFF GEN

CIVIL RELATIONS SERVICE

JOY CANTOS

NARCISO ABAYA

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with