^

Bansa

Harrison Plaza owner inabsuwelto sa kasong frustrated parricide

-
Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong frustrated parricide laban sa negosyanteng nagmamay-ari ng isang department store matapos na barilin umano nito ang kanyang asawang si Melissa Mercado, anak ng aktor na si Luis Gonzales.

Sa 9-pahinang resolusyon na pinirmahan ni Sr. State Prosecutor Roberto Lao, ipinawalangsaysay nito ang nasabing kaso na isinampa ni Mercado laban kay Robert Puyat Martel, may-ari ng Harrison Plaza.

Batay sa naging imbestigasyon ng prosecution, sinabi nito na walang matibay na basehan upang isulong ang kasong frustrated parricide laban kay Martel. Hindi umano nagtugma ang mga naging pahayag ng complainant hinggil sa pamamaril ni Martel noong Agosto 26, 2003.

Wala din aniyang mga iprinisintang testigo upang madiin sa kaso ang negosyante laban sa kanyang asawa.

Pinatunayan ni Martel sa korte na wala siya sa bansa noong Setyembre 2-Disyembre 5, 2003 kung saan sinasabi ni Mercado sa isang hiwalay na salaysay nito na tinangka pa siyang saktan at tinatakot habang sila ay magkasama ng asawa. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AGOSTO

BATAY

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

HARRISON PLAZA

LUIS GONZALES

MELISSA MERCADO

MERCADO

ROBERT PUYAT MARTEL

SR. STATE PROSECUTOR ROBERTO LAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with