Isyu kay Angelo sarado na - GMA
July 25, 2004 | 12:00am
Hiningi ng Malacañang sa publiko na isarado na ang isyu sa pagkidnap at ligtas na paglaya ni Angelo dela Cruz at pabayaan na lamang itong matamasa ang pribadong pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, naging napakapribado ang pagsisimba ng magkasama nina Pangulong Arroyo at Angelo sa Rosales, Pangasinan para magpasalamat sa ligtas na pagbabalik sa bansa ng truck driver.
Gusto ng Pangulo na ang naging karanasan ni Angelo ay hindi na maulit sa iba pang Pilipinong nasa Middle East.
Hindi man dadalo si Angelo sa SONA ng Pangulo bukas, magiging bida pa rin siya sa talumpati nito.
Ayon kay Bunye, bagaman minabuti ng Pangulo na huwag nang padaluhin sa SONA si Angelo alang-alang sa kahilingan nito, hindi maiiwasang mabanggit ang pangalan niya sa SONA dahil ang magiging tema ng talumpati ay ang pagbibigay ng prayodidad sa kapakanan ng mamamayan.
Si Angelo anya ang kumakatawan sa napakaraming mamamayan na naghahanap-buhay para maiangat ang kanilang buhay.
Magiging kakaiba ang SONA ng Presidente dahil ang mga programang ilalatag niya sa mamamayan ay sa loob ng anim na taon di tulad ng mga nakaraang SONA na pang-isang taon lang.
Magsusumite ang Presidente ng kumprehensibong mga pakete ng reporma na umiikot sa limang pangunahing isyu. Tatagal ang SONA ng 40 minuto. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest