Kahit batikusin ang ina,Rep.Mikey di mapipikon

Hindi mapipikon si Presidential Son at Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa mga kasamahang kongresista na kasapi ng oposisyon na babatikos sa kanyang inang si Pangulog Arroyo.

Sinabi ni Rep. Arroyo sa isinagawang orientation kahapon sa House of Representatives para sa mga bagong mambabatas na naihanda na niya ang kanyang sarili para sa bagong trabaho.

Ayon kay Mikey, alam niyang may maririnig siyang maaanghang na salita laban sa kanyang pamilya at natural lamang aniya ito dahil nakaluklok sila sa puwesto.

Mali anyang personalin ang anumang batikos na kalimitan ay bahagi lamang ng maruming pulitika sa bansa.

"Nakahanda ako diyan, bawal ang pikon. Trabaho lang tayo dito at walang personalan," ani Mikey.

Pero ipagtatanggol din aniya niya ang Pangulo laban sa mga personal na atake lalo na ‘yong mga walang basehan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments