^

Bansa

Murder vs hepe ng RP troops

-
Isusulong ng militanteng Bayan Muna ang mga kasong murder laban sa hepe ng RP contingent sa Iraq na si Brig. Gen. Jovito Palparan, Jr. kaugnay sa pagpatay umano sa mga human rights workers sa Mindoro kung saan naging brigade commander ng Army ang naturang opisyal.

Bumalik na kahapon sa bansa si Palparan na nauna sa kanyang tropa matapos mangako ang gobyerno na pababaliking lahat sa Pilipinas ang buong 51-miyembro ng humanitarian mission upang mailigtas ang buhay ni Angelo dela Cruz.

Sinabi ni Rep. Teddy Casino, secretary general ng Bayan Muna, tatlong kaso na ang nakahain laban kay Gen. Palparan kabilang na ang pagpatay kay Choi Napoles, coordinator ng Bayan Muna sa Mindoro noong 2002, at pagpaslang kina Eden Marcellana, human rights leader at Eddie Gumanoy, isang peasant leader noong nakaraang taon.

Ayon kay Castillo, umabot na sa 18 ang napatay na supporters at members ng Bayan Muna sa Mindoro pero sa tatlong nabanggit na kaso lamang sila nakapangalap ng sapat na ebidensiya na magdidiin kay Palparan.

Marami aniyang mga testigo na nakasaksi sa krimen ang ayaw na magsalita dahil sa takot na sila’y balikan.

Idinagdag naman ni Marie Hilao-Enriquez, pinuno ng Karapatan, na naidokumento ng kanilang grupo ang daan-daang kaso ng human rights cases kabilang na ang mga kasong harassment, disappearances, illegal arrests at murders sa loob lamang ng dalawang taong pamamalagi ni Palparan sa Mindoro.

Ang mga kaso ay nasa preliminary investigation pa lamang at nais umano ng mga abogado ng gobyerno na limitahan ang pagsasampa ng kaso sa mga junior officers na hawak ni Palparan.

Bagaman at kinondena aniya ng Commission on Human Rights si Palparan dahil sa mga nangyaring pag-abuso sa karapatang pantao sa Mindoro noong ito’y brigade commander ng Army sa nasabing lugar ay hindi naman nila kinasuhan ang nabanggit na opisyal.

Noong colonel pa lamang si Palparan ay naging kumander ito ng 204th Army Brigade at na-promote na brigadier general bago ipinadala bilang commander ng RP contingent sa Iraq sa kabila ng mahigit na protesta ng militanteng grupo.

Sinabi ni Enriquez na maling mensahe ang ipinahatid nito dahil sa halip aniyang maparusahan ay napromote pa si Palparan.(Ulat ni Malou Rongalerios)

ARMY BRIGADE

BAYAN MUNA

CHOI NAPOLES

EDDIE GUMANOY

EDEN MARCELLANA

HUMAN RIGHTS

JOVITO PALPARAN

MINDORO

PALPARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with