1 pang Pinoy truck driver inambus sa Iraq
July 17, 2004 | 12:00am
Isa na namang Pinoy truck driver na nagtatrabaho sa Iraq ang nanganganib na mabulag matapos na ambusin ng hinihinalang Iraqi rebels sa isang lugar sa nasabing bansa.
Kinilala ang OFW na si Rolando Bayani, empleyado ng First Kuwaiti Trading Company na nakabase sa Kuwait.
Si Bayani ay kasalukuyang sumasailalim sa operasyon sa isang pagamutan sa Kuwait matapos na tamaan ng shrapnel ang kanang bahagi ng kanyang mata.
Wala namang maibigay na ibang impormasyon at kumpirmasyon ang Department of Foreign Affairs sa nasabing insidente.
Samantala, inihahanda na ang pag-uwi ng 10 pang truck driver na mga kasamahan ni Angelo dela Cruz na naunang iniulat na nagkahiwa-hiwalay sa Iraq upang umiwas sa mga Iraqi na dumudukot ng mga dayuhan doon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended