^

Bansa

9 ahensiya ng gobyerno masasagasaan sa revamp

-
Siyam na ahensiya ng gobyerno ang maaapektuhan ng ipatutupad na reorganisasyon ni Pangulong Arroyo.

Ayon sa isang maimpluwensiyang impormante na malapit sa Pangulo pero walang puwesto sa gobyerno, kabilang sa mga apektadong kagawaran ay ang Department of Health (DOH), Department of Transportation and Communications (DOTC), Dep’t of Tourism (DOT), Dep’t of Public Works and Highways (DPWH), Dep’t of Education (DepEd), Dep’t of Agrarian Reform (DAR), Dep’t of Finance (DOF), Dep’t of Foreign Affairs (DFA) at Dep’t of Justice (DOJ).

Hindi naman apektado ng pagbalasa sina Executive Secretary Alberto Romulo, Chief of Staff Rigoberto Tiglao, Presidential Spokesman Ignacio Bunye at Budget Secretary Emilia Boncodin.

Inaasahan din ng naturang impormante na hindi matitinag sa puwesto si Press Secretary Milton Alingod.

Sinabi pa ng impormante na noong unang preparasyon sa reorganisasyon ay hindi kabilang si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas sa mga gagalawing miyembro ng Gabinete, pero dahil sa naganap na kuryenteng balita sa paglaya ni Angelo dela Cruz, malamang na magalaw din ito sa puwesto.

Tatlong miyembro na ng Gabinete ng Pangulo ang nagbitiw at mayroon na ring mga kapalit na sina dating DILG Sec. Joey Lina na pinalitan ni Angelo Reyes, DSWD Sec. Dinky Soliman na ang puwesto ay ipagkakaloob kay Vice Pres. Noli de Castro at Agriculture Sec. Luisito Lorenzo na pinalitan ni NFA chief Arthur Yap.

Sinabi pa ng impormante na dapat sana’y nakasama sa mga naunang pagbabalasa ang Transportation secretary pero hindi natuloy ito dahil ang inaasinta nitong kapalit na puwesto ay ang posisyon ni Defense Secretary Eduardo Ermita, subalit hinarang umano ni dating Pangulong Fidel Ramos ang planong pagpapalit kay Ermita. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AGRARIAN REFORM

AGRICULTURE SEC

ANGELO REYES

ARTHUR YAP

BUDGET SECRETARY EMILIA BONCODIN

CHIEF OF STAFF RIGOBERTO TIGLAO

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

DEP

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with