Tiyak na magkakaroon na ng konting ginhawa ang lahat ng pribadong manggagawa sa bansa, ito ay matapos ihayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaroon ng dagdag na P600 na suweldo kada buwan mula sa Emergency Cost of Living Allowance.
Sa pulong balitaan na ipinatawag ni Labor Acting Secretary Manuel Imson, sinabi nito na inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang order No. NCR-10 na nagkakaloob ng P20 na dagdag sa suweldo araw-araw sa lahat ng pribadong manggagawa sa National Capital Region.
Sa July 10 na ang effectivity ng wage increase sa Metro Manila habang sa mga lalawigan at probinsiya ay sa mga darating na araw base na rin sa magiging desisyon ng RTWPB.
Magiging P300 na ang minimum ng suweldo ng isang manggagawa kada araw mula sa dating P280.
Samantala, sa panig naman ng Partido ng Manggagawa (PM), ampaw lamang ang ibinigay na dagdag na suweldo. Muli nilang igigiit ang P65 wage increase.