Inagurasyon ni GMA,simple at matipid
June 26, 2004 | 12:00am
Gagawing simple at matipid ang inagurasyon ni Pangulong Arroyo at ng kanyang Bise Presidente Noli de Castro sa Hunyo 30.
Inihayag ng Pangulo na hindi napapanahon ang magarbong seremonya dahil sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan.
Bagaman ang okasyon ay isang araw na tuluy-tuloy na idaraos sa Maynila at Cebu, inutos niyang simple lang ang selebrasyon at tiyaking hindi magastos ang inihandang mga aktibidad sa araw ng kanyang panunumpa sa tungkulin.
Sa alas-8 ng umaga, magkakaroon ng parada sa Luneta at maghahayag ang Pangulo ng kanyang mensahe para sa okasyon. Dakong alas-10 ng umaga ay tutungo na ito ng Cebu.
Alas-12 ng tanghali, manunumpa ang Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Cebu Sports Complex.
Hiniling din ng Pangulo sa mga naghahanda ng selebrasyon sa Cebu na ilaan na lang sa mga proyekto para sa mahihirap ang gagastusin sa marangal na selebrasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest