Natalong boots supplier sinupalpal ng AFP
June 14, 2004 | 12:00am
Binuweltahan kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang natalong boots supplier na nagrereklamo ng iregularidad sa bidding ng P102 milyong halaga ng boots para sa mga sundalo sa "battlefield" sa kabila ng mas mababang presyong kanilang iniaalok.
Ipinaliwanag ni AFP-PIO chief Lt. Col. Daniel Lucero sa Jodaar Cottage Industries na hindi lahat ng mga bidders na nag-aalok ng mas mababang presyo ay makakakuha ng kontrata. "The bid award only goes to the lowest bidder if all bidders meet the prescribed specifications. Jodaar, despite having submitted lowest bid for combat boots, failed the test and evaluation process," giit pa ni Lucero.
Ginawa ni Lucero ang pahayag matapos na lumantad ang isang Peter Go Cheng, sales manager ng Jodaar Cottage Industries at magreklamo hinggil sa umanoy maanomalyang kontrata kung saan ini-award ito sa Filboot Co. nitong unang bahagi ng taon.
Nabatid na ang bidding ay isinasagawa ng Department of Budget and Management-Procurement Services matapos na pumasa sa kalidad ng mga opisyal ng militar ang produkto ng Filboot Co.
Sa lahat ng bidders ay pinakamataas ang presyo ng Filboot na nagkakahalaga ng P1,047 kada isang pares ng sapatos habang P993.50 lamang ang iniaalok na presyo ng Jodaar sa bawat isang pares ng kanilang sapatos at P1,038 naman ang alok ng Gibson Shoe Factory.
Magugunita na ang pondo para sa pagbili ng sapatos ng mga sundalo sa battlefield ay inaprubahan ni Pangulong Arroyo matapos ang kontrobersiyal na Oakwood mutiny. Ang umanoy mga bulok na boots ng mga sundalo na sumasabak sa digmaan partikular na sa Mindanao ang isa sa mga karaingan nang magsipag-aklas ang may 300 junior officers at enlisted personnel ng AFP na sumakop sa Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hunyo 27, 2003 sa bigong destabilisasyon laban sa pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended