NPA manggugulo sa bilangan
May 23, 2004 | 12:00am
Isang intelligence report ang ibinulgar ng militar hinggil sa umanoy pagsasanib ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) at Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa pamamagitan ng isang "tactical alliance" na tinawag na Patriots na ang layunin ay guluhin umano ang isasagawang bilangan ng mga balota.
Sa tatlong pahinang report na may title na "Special Report on FPJ Camp and CPP Front Organizations," napag-alaman na, ayon sa kani-lang kasunduan sa kampo ng KNP, magsasagawa ng malawakang kam-panya ang Patriots upang magpakalat ng maling impormasyon ukol sa pandaraya noong May 10 elections.
Ang Patriots ay pinamumunuan umano ng isang Fr. Joe Dizon.
Ayon pa sa report, maglulunsad ng mga prayer rally at pagkilos sa Commission on Elections at Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ginagawa ang Comelec count.
Dinagdag pa ng re-port na layon ng tactical alliance na guluhin ang pagbibilang ng boto sa pagsigaw ng pandaraya ng Patriots. Ito naman umano ang gagamitin ng KNP upang makapaglunsad ng malawakang protesta na tutungo sa pagdeklara ng "failure of elections."
"Ang ibat ibang guerilla front commands ay nagpaplanong maglun-sad ng coordinated tactical operations sa buong Pilipinas kapag lumalala ang mga kilos protesta," sabi pa ng military report.
Binanggit din na ang pagbubuo ng grupong Patriots ay bunsod pa rin ng isang pagpupulong noong Mayo 2 ng Communist Party of the Phi-lippines National United Front Commission (NUFC) na bahagi ng tinatawag na "post election scenarios."
Kaugnay nito, tinagurian ng Malacañang na hindi makabayan ang grupong Patriots dahil sa panawagan nilang magbitiw na sa puwesto ang Pangulo sa sandaling mapatunayang may dayaan sa halalan noong Mayo 10.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang bansag na Patriots ay hindi bagay sa grupo dahil ang organisasyon ay sangkot sa hindi makabayang gawain, ang magbintang ng dayaan sa eleksiyon ng walang matibay na ebidensiya.
Sinabi ni Fr. Dizon na nagkaroon ng malawakang pandaraya sa pa-mamagitan ng pamimili ng boto, pagpapalit ng resulta ng botohan, paggamit ng dahas sa tulong ng pulis at militar at voters disenfranchisement.
Hinamon ni Bunye ang Patriots na mangalap muna ng ebidensiya at iharap sa kinauukulang institusyon kaysa aksayahin ang panahon sa propaganda. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended