Negros Power, naghatid ng malaking pagbabago sa electric service
MANILA, Philippines — Sa loob lang ng 9 na buwan mula nang i-takeover ang electric service sa Central Negros, naipatupad ng Negros Electric and Power Corp. (Negros Power) ang malawakang pagbabago sa imprastraktura at kalidad na serbisyo.
Sa pakikipagdiyalogo sa business at consumer leaders ay inilatag ni Negros Power President at CEO Roel Castro ang comprehensive report na nagdedetalye ng mga nagawa nang proyekto mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong Agosto 2024.
Ilan dito ang kumpletong rehabilitasyon ng Alijis Substation at 30-km Bacolod–Silay 69kV subtransmission line kung saan pinalitan ang mga poste at electric line. Naglagay din ng Automatic Circuit Reclosers, Load Break, Disconnect Switches, paglalagay ng rubber inserts upang hindi mapasok ng mga hayop, paglalagay ng mga energy-efficient na distribution transformers at pinalakas ang kampanya laban sa anti-electricity pilferage.
Libu-libong digital electric meters din ang ipinalit sa mga kabahayan nang walang dagdag singil gayundin ay naglagay ng mahigit sa 100 payment centers upang maging mabilis ang pagbabayad.
Pinabilis din ang proseso ng aplikasyon ng kuryente at 24/7 ang customer service team na maaaring mahingan ng tulong o impormasyon.
Isa sa kanilang malaking tagumpay sa nakalipas na 9 na buwan ay ang pagbibigay ng kuryente sa mga lugar na wala pang supply sa ilalim ng Sitio Electrification Program.
- Latest



















