Army Col. na nangampanya para kay FPJ iimbestigahan

Pinaiimbestigahan na ni Army chief Lt. Gen. Efren Abu ang isang Army Colonel na akusado sa kasong electioneering matapos na mangampanya para sa kandidatura ni Fernando Poe, Jr. sa katatapos na eleksiyon.

Una rito, nagpalabas ng ‘arrest order’ si AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya laban kay Col. Jose Gamus, nakatalagang deputy brigade commander ng 901st Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Pili, Camarines Sur.

Sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Buenaventura Pascual na isang malinaw na paglabag sa Army’s Rule and Regulation ang ginawa ni Gamus ng lantaran umanong ikampanya si FPJ sa lalawigan ng Sulu.

Si Gamus nitong kainitan ng campaign period ay naghain ng "ordinary leave" sa kadahilanang personal mula Marso 22-Hunyo 15, 2004 kung saan ay nangampanya umano ito kay FPJ. Pero nilimitahan ng AFP hanggang Mayo 15 ang bakasyon ni Gamus dahil masyado umanong mahaba kung hanggang Hunyo 15 ito. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments