Ayon kay Leviste, desperado na si de Castro dahil sa nalalapit na ang kanyang pagkatalo sa halalan.
"Ang hirap kay Noli de Castro ay kung kani-kanino niya binibintang ang kanyang ginawang dagdag-bawas. It is a sheer act of desperation because he is losing the election," ani Leviste.
Pinabulaanan ni Leviste ang paratang ni de Castro na umiikot siya sa mga lalawigan upang magawan ng paraan ang pagkatalo ng kanyang asawa.
"In the last four days, I have been watching movies and shopping at the Greenbelt mall in Makati. And there are hundreds of salesgirls, waiters and security guards in Greenbelt mall who will bear me out. I challenge Mr. de Castro therefore to prove his allegation that I have been traveling around the country in a chartered plane accompanied by wealthy businessmen and which the ATO (Air Transportation Office) will allegedly prove as soon as the record of my supposed flight plan is completed," pahayag ng nairitang si Leviste.
Hiniling na rin ni Liveste sa ATO na agarang iklaro at ipaliwanag ang nasabing isyu base na rin sa alegasyon ni de Castro laban sa kanya.
"I suggest Noli de Castro to put up or shut up and just wait for the results of the canvass," ani Leviste.
Ang mga bintang ni Kabayan kay Leviste ay tinawag na preemptive strike kung saan nagpapauna siya ng atake bago tuluyang mabisto sa kanyang pandaraya.
"Sana ay magpakalalaki si de Castro at tanggapin ang katotohanan na ayaw na sa kanya ng bayan. Kung muli siyang puputak sana ay magconcede na lang siya at humingi ng tawad sa mga kinotongan at inabuso niya na naglabasan kamakailan," dagdag pa ng dating gobernador. (Ulat ni Ellen Fernando)