^

Bansa

Kabayan malalaglag sa 'gov't of unity' ni GMA

-
Nagpaplano umano ang K4 coalition ni Pangulong Arroyo na ilaglag ang kandidato nitong bise presidente na si Noli de Castro dahil sa "government of unity" o pamahalaan ng pagkakaisa na itatatag nila pagkaraan ng halalan.

Ito ang tahasang ipinahayag ng mga haligi ng K-4 na nagsabing kailangang bitiwan nila si de Castro upang di makasira kay Pangulong Arroyo sa iba pang kandidato ng K-4.

Itatayo ni Pangulong Arroyo ang isang "government of unity" kung saan ang mga miyembro ng oposisyon ay bibigyan ng puwesto at tutulong sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Ayon sa mga taga-K4, magkakaroon ng aktibo at mahalagang papel ang sinumang mananalo bilang bise presidente kaya kailangan umano ang isang may silbi at may pakinabang na pangalawang pangulo at hindi umano magiging katiwa-tiwala ang isang government of unity kung si de Castro ay kasali dito.

Sa lahat ng survey, habang umaakyat sa rating si Pangulong Gloria laban kay Fernando Poe, Jr. patuloy naman ang pagdausdos ni de Castro dahil ang kanyang lamang ay mabilis na nginangatngat ni Loren Legarda. Ang dahilan nito, ayon sa mga taga-K4, ay ang tambak na reklamo at demanda sa Ombudsman at sa korte laban dito. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

FERNANDO POE

ITATAYO

LOREN LEGARDA

NAGPAPLANO

NOLI

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with