Witness sa 'kotong' isyu lumantad
April 25, 2004 | 12:00am
Nakahanap ng kakampi ang dating aktor na si Rafael Engle makaraang lumantad ang isang testigo na magpapatunay na kinotongan umano ang una ng P2milyon kapalit ng pag-asang makikita ang kanyang nawawalang asawa.
Tatayo bilang isa sa star witness laban sa Magandang Gabi Bayan program ang mismong restaurant manager ni Engle na si Olimpio Batilo, Jr. Sa affidavit ni Batilo, sinabi nito na pinakiusapan umano siya ng host na si Noli de Castro na kumbinsihin si Engle na magpa-interview sa MGB upang "tulungan" siya sa paghahanap sa nawawalang asawa. Ngunit hiningian umano siya ng staff ng P2 milyon matapos ang interview. Ang pera ay upang pagandahin raw ang imahe ni Engle sa report ng MGB. Dahil hindi binayaran ni Engle ang hinihinging halaga ay pinalabas ng programang si Engle ang suspek sa pagkidnap ng kanyang asawang si Daisy. Ginamit naman itong basehan ng NBI upang dakpin, kasuhan at makulong siya ng pitong taon bago napawalang sala noong isang taon.
Sa paglantad ni Batilo, umaasa si Engle na makakakuha ng hustisya sa nasira niyang reputasyon dahil lamang sa malisyoso at walang katotohanang mga alegasyon laban sa kanya. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest