Hirit ni Miriam tinawanan ni Bong
April 23, 2004 | 12:00am
Tinawanan lamang ng nangungunang K4 senatorial candidate Ramon "Bong" Revilla, Jr. ang akusasyong siyay lumampas na sa takdang limit sa paggamit ng TV ads.
Sa pahayag ni Revilla, ipinagtataka nito kung saan kinuha ng kanyang kaalyado sa K4 na si senatorial candidate Miriam Defensor-Santiago ang naturang information gayong ang alam niya ay busy ang huli sa pangangampanya kaya wala itong panahon upang maghalungkat ng mga ganoong bagay.
"Ang totoo, ang aking propaganda ay di pa kalahati ng ginagasta ng ilang kandidato at kung bakit ako pa ang napagbuntunan ni Santiago na diumanoy gumagasta ng sobra," dugtong ni Revilla.
Sinabi ni Revilla na marahil masyado lamang magagaling ang kanyang staff na napagkakasya ang limitadong pondo upang mapabuti ang pagpapatakbo ng kanyang political campaign. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest