Remulla clan nilaglag ni Ping,pumanig kay Maliksi
April 21, 2004 | 12:00am
Pinabayaan na nga ba ni opposition presidential bet Panfilo Lacson ang pamilya ng mga Remulla upang lantarang kampihan ang mga lokal na kandidato ni Cavite Governor Ereneo "Ayong" Maliksi?
Ito ngayon ang mainit na pinag-uusapan sa lalawigan bunga ng patuloy na pananahimik ni Lacson tungkol sa kontrobersiyal na pag-endorso ni Maliksi sa kalaban ni Atty. Jesus "Boying" Remulla sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng Cavite.
Napag-alaman na inindorso ni Maliksi, masugid na tagasuporta ni Lacson, nitong Sabado sa isang campaign rally ang kandidatura ni Silang Mayor Ruben Madlansacay sa pagka-kongresista.
Ang ginawa n Maliksi ay itinuturing na pagtraydor ng gobernador sa mga Remulla na isa ring die hard supporters ni Lacson, knikilala ang bagsik sa pulitika ng mga Remulla dahil ang matandang Johnny Remulla na dating gobernador ang nagtatag ng lokal na partidong "Magdalo sa Cavite.
Naging palaisipan sa mga Caviteno ang pag-endorso ni Maliksi kay Madlansacay dahil nauna na itong nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Atty. Remulla. Ang suporta ni Maliksi kay Atty. Remulla ay bilang paggalang sa alyansa nila sa pagtataguyod sa kandidatura ni Lacson. Nakarating na umano sa kaalaman ni Lacson ang ginawa ni Maliksi subalit hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang aksyon ang pambato ng oposisyon.
Dahil sa pananahimik ni Lacson, hinihinala ng ibang Caviteno na mayroon ng basbas ng senador ang ginawa ni Maliksi na talikuran si Atty. Remulla.
Ilang mga pulitikal na tagamasid sa Cavite ang nagpahayag na inaasahan na nila na hindi magtatagal ang "unholy alliance" ng mga Maliksi at Remulla dahil na rin sa pangamba ng kasalukuyang gobernador na agawin ang kanyang puwesto.
Bukod kay Atty. Remulla, kandidato rin ngayong eleksiyon ang mga kapatid na sina Johnvic, reelectionist vice governor at Gilbert, reelectionist congressman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended