^

Bansa

Sigaw ng nagkakalasang suppurters ni Roco 'Yes to GMA, No to FPJ

- Lilia Tolentino -
"Mas gusto naming suportahan si GMA kaysa kay FPJ!"

Ito ang nagkakaisang pahayag ng nagkakalasang mga taga-suporta ni dating DepEd secretary Raul Roco makaraang tumalon sa kampo ni Pangulong Arroyo at tuluyang abandonahin ang dating kalihim.

Ayon kay K4 spokesman Mike Defensor, marami nang mga organisasyon na taga-suporta ni Roco ang nagpahayag na magbubuhos ng tulong at suporta kay Pangulong GMA.

"Ang mga supporters ni Roco ay yaong mga mamamayan na ayaw ang isang artsta ang maging pangulo ng bansa, kaya naman si GMA ang napisil nilang puntahan," wika ni Defensor.

Maliban dito, sinabi ni Defensor na inamin ng mga dating supporters ni Roco na si Pangulong Arroyo lamang kasi ang may malaking chance para talunin ang aktor na si FPJ.

Nagsimula nang magtalunan sa kampo ni Pangulong Arroyo ang isang core group ng mga lider at political strategists ni Roco.

Sinabi ng grupo na ang ginawa nilang pagsama kay GMA at pag-iwan kay Roco ay matagal nang nadesisyunan bago pa man nagpahayag si Roco na pupunta siya sa Estados Unidos upang magpagamot.

"Ginawa nila ang paglipat kay GMA dahil napagtanto nila na ito ang nararapat para sa interes ng mas nakararami at ng buong bansa," pahayag ni Gabriel Claudio, campaign manager ng Pangulo.

Ang mga key political leaders at strategists na umiwan na kay Roco at sumuporta na kay GMA ay sina Rep. Jose Bengzon, dating Rep. Gualberto Lumauig, Rodolfo Tingzon, Luz Bakunawa, Venice Agana, Jerome Paras at dating presidential adviser Emil Ong.

Maging si Pedro Reyes, chairman ng Raul Roco Movement ay tumalon na din sa kampo ni GMA.

Si Bulacan Rep. Willie Villarama, dating kasapi sa Aksiyon Demokratiko ni Roco, ay nauna nang nanawagan na mag-withdraw na ang huli at pakinggan ang mas mataas na calling ng pagsasakripisyo para sa bayan.

Sinabi ni Villarama na ang pag-atras ni Roco ang hudyat upang maiwan nang tuluyan ni GMA si Fernando Poe, Jr. sa presidential race.

"Kabayanihan ito sa parte ni Roco na magbigay daan kay GMA na siyang karapat-dapat na lider kaysa mapasailalim ang buong bansa sa isang tao na hindi nakatapos ng pag-aaral at walang karanasan sa gobyerno," sabi ni Villarama.

AKSIYON DEMOKRATIKO

EMIL ONG

ESTADOS UNIDOS

FERNANDO POE

GABRIEL CLAUDIO

GMA

KAY

PANGULONG ARROYO

ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with