^

Bansa

Sa SWS survey: Rating ni Noli tumaas pa

-
Sa kabila ng kaliwa’t kanang paninira kay K4 vice presidential candidate Sen. Noli de Castro, nanatiling malaki pa rin ang lamang niya sa katunggaling si KNP Sen. Loren Legarda.

Ito ang naging resulta ng isinasagawang survey ng Social Weather Station (SWS) mula Marso 21-29, 2004 kung saan tambak pa din ang lamang ni Kabayan kay Loren na naitala sa 14%.

Kung ang pagbabatayan ay ang by-area survey ng SWS ay nakakuha si de Castro ng over-all rating sa buong bansa na 50% samantalang si Legarda ay 36% lamang.

Sa Luzon ay 48% ang puntos ni de Castro habang si Legarda ay 40%; sa Visayas 51% si Noli at 29% si Loren, at sa Mindanao 57% si de Castro at 32% si Legarda.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang by-class, si de Castro ay nagtala ng 44% grado para sa Class ABC, samantala si Legarda ay 39% lamang; 49% naman ang nakuha ni Noli sa Class D at 37% si Loren, at sa Class E ay 51% ang nakuha ni Noli at 35% lamang si Loren.

Sa pangkalahatan para sa by-class na survey, si de Castro ay nangunguna sa kaniyang 50% na puntos sa nangungulelat na rating na 36% ni Loren.

Matatandaang sunud-sunod ang ginawang paninira kay Kabayan na idinadamay pa ang kaniyang pamilya at personal na buhay.

Si de Castro, ayon sa SWS ay nanatiling laging lamang kay Legarda mula Enero 2004 hanggang Marso 2004.

Ang naging katanungan sa mga nasabing survey ay, "Sino ang malamang ninyong iboboto bilang bise presidente kung ang eleksiyon ay gaganapin ngayon?" (Ulat ni Lilia Tolentino)

CASTRO

CLASS D

CLASS E

KABAYAN

LEGARDA

LILIA TOLENTINO

LOREN LEGARDA

MARSO

NOLI

SA LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with