Sinabi ni Tatad sa Manila-based reporters, matalo man o manalo si Pangulong Arroyo sa darating na May 10 elections ay dapat papanagutin siya sa naturang kasunduan na pinasok nito sa subsidiary ng Benpress na First Philippine Infrastructure Development Corp. (FPIDC) para sa rehabilitasyon ng 81-km expressway project.
Wika pa ni Tatad, ang FPDIC ay kikita umano sa loob ng 30 taon ng P432 bilyon gayung wala namang puhunan kahit singko ang mga ito sa nasabing kontrata kundi ginawa lamang puhunan upang makautang sa mga foreign lenders ang kanilang Tipo-Subic tollway kung saan ay pinalitaw na P600 milyon ang original na investment nito. (Ulat ni Rudy Andal)