^

Bansa

Larawan ng mga terorista ipapaskil

-
Upang mapabilis ang pagdakip sa mga kinatatakutang miyembro ng mga terorista kabilang na ang dayuhang Jemaah Islamiyah (JI) ay nakatakdang ipalabas ng bagong tatag na National Anti-Terrorism Task Force ang larawan ng nasabing mga banta sa pambansang seguridad.

Malaki ang paniniwala ni Defense Secretary Eduardo Ermita, pinuno ng naturang task force, na isang epektibong paraan ang paglalantad sa publiko sa pagkakakilanlan ng mga terorista upang mapadali ang pagdakip sa mga ito.

Aniya, subok na ang ganitong pamamaraan na una nang ginawa ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) na patuloy ang matagumpay na operasyon sa pagbitag sa mga wanted na kidnappers.

Nilinaw naman ng kalihim na kailangang suportado ng matitibay na intelligence report ang naturang hakbang dahil bago nila ilantad sa publiko ang litrato ng mga terorista ay kailangan munang makumpirmang sangkot ang mga ito sa terorismo.

May 30 pang teroristang JI ang sinasabing nagtatago sa mga kampo ng MILF sa Mindanao at pakay ng pagtugis ngayon ng mga awtoridad.

Kasalukuyang pinag-aaralan ang pagkakaloob ng ‘reward system’ sa ikatatagumpay ng kampanya kontra terorismo. (Ulat ni Joy Cantos)

ANIYA

DEFENSE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

KASALUKUYANG

MALAKI

MINDANAO

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

NATIONAL ANTI-TERRORISM TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with