5 araw bakasyon sa Semana Santa
March 21, 2004 | 12:00am
Magkakaroon ng limang araw na bakasyon ang sambayanang Pilipino sa panahon ng Semana Santa simula sa Abril 7, Miyerkules.
Idineklara ni Pangulong Arroyo Ang Abril 7, 2004 na isang regular holiday kapalit ng Biyernes, Abril 9 na Araw ng Kagitingan.
Ang Huwebes Santo na tumapat sa Abril 8 at Biyernes Santo na tumapat sa Abril 9 ay kapwa mga tradisyunal na mga araw na ipinangingilin sa bansa alinsunod sa alituntunin ng simbahang Katoliko na siyang nakararami sa bansa.
Ang 5 araw na pista opisyal kabilang na ang araw ng Sabado at Linggo ay nakapaloob sa Proklamasyon Bilang 583 na nilagdaan para sa Pangulo ni Executive Secretary Alberto Romulo. Layunin nito na pagkalooban ang mga Pilipino nang tuloy-tuloy na bakasyon at mabigyan sila ng pagkakataong makapagmuni-muni sa kahalagahan ng Semana Santa at gunitain ang Mahal na Araw alinsunod sa tradisyon, subalit kailangan ding gunitain ang Araw ng Kagitingan ng may kaukulang aktibidad.
Sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 583, ang lahat na aktibidad at palatuntunan sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na tumapat sa Abril 9, Biyernes ay ililipat sa Abril 7. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended