^

Bansa

Clean Water Act bill ni Jawo isasabatas na

-
Ganap nang magiging batas ang Clean Water Act of 2004 na iniakda ni Senate committee on environment chairman Senator Robert Jaworski matapos ang paglagda dito ni Pangulong Arroyo sa susunod na linggo.

Sa pamamagitan ng CWA na ika-23 sa batas na isinulong at ipinaglaban ni Jaworski sa Senate floor, matutukoy na ang depenidong regulasyon kung paano mabibigyang proteksiyon ang mga water ways sa buong bansa.

Ayon kay Jaworski, principal author ng CWA of 2004, masyado nang nasira ang maraming ilog, dagat at iba pang patubigan sa bansa dahilan sa kawalan ng kongkretong batas na nagtatakda para sa pangangalaga nito.

Sa ilalim ng CWA, natitiyak na ang kalidad ng tubig na itinatapon ng mga pabrika at iba pang establisimiyento ay hindi magiging sanhi ng matinding polusyon sa mga ilog.

Nakasaad din sa batas na ang mga water reservoir ng bansa na pangunahing pinagkukunan ng inumin ng mamamayan, partikular na sa Metro Manila, ay kailangang mas mahigpit na pangalagaan upang matiyak na hindi ito madadaluyan ng mga maruruming likido. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CLEAN WATER ACT

GANAP

JAWORSKI

METRO MANILA

NAKASAAD

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT JAWORSKI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with