One-on-one nina FPJ at Ping bukas na
March 15, 2004 | 12:00am
CAGAYAN DE ORO CITY - Kinumpirma kahapon ni KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. na mag-uusap sila bukas ni independent presidential candidate Panfilo Lacson sa huling pagkakataon.
Sinabi ni FPJ, standard bearer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), mag-uusap sila ni Lacson sa huling pagkakataon bukas para sa unification ng oposisyon.
Aniya, si Mr. Horacio Morales ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ang nag-ayos ng kanilang magiging pag-uusap ni Ping na one-on-one lamang sa kanila at walang ibang audience.
"It was supposed to be between the two of us and hopefully this is the final round," wika ni FPJ.
Sinabi naman nina reelectionist Sen. Aquilino Pimentel Jr. at KNP senatorial bet Franciso "Kit" Tatad na mas maganda kung magkakaroon ng positibong resulta ang unification talks pero kung sakaling mabigo ang pag-uusap na ito ay nakakasiguro naman silang si FPJ ang mananalo sa darating na eleksiyon. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest