P 6-M para gibain si Noli,nabuking !
March 10, 2004 | 12:00am
Nabulgar ang umanoy P6 milyong demolition job ng isang PR group para pigilin ang lalo pang umaalagwang survey rating ni K4 vice presidential candidate Sen. Noli de Castro.
Sa pahayag kahapon ni K4 spokesperson Mike Defensor, nakarating sa kanilang campaign headquarters na naghati sa dalawang grupo ang media demolition crew ng kilalang crisis PR firm na pinopondohan ng P2 milyon kada buwan mula Marso hanggang Mayo 2004.
Bahagi ng serye ng smear campaign ang internet laban kay Kabayan.
Ang isang grupo ay minamaniobra umano ng isang alyas "Wilfredo" at ang isa naman ay pinatatakbo ng isang alyas "Marissa."
Ang dalawa, ayon pa sa ulat, ay nakipagpulong umano sa Philippine Plaza Hotel noong Pebrero 8, 2004 sa financier ng demolition job na kinilalang isang contractor ng mga proyekto sa Countrywide Development Fund (CDF) ng mga senador.
"Ayon sa report na nakarating sa amin ay hindi alam ni Senadora Loren (Legarda) ang nasabing P6 milyong smear campaign laban kay Kabayan," paglilinaw ni Defensor ng tanungin kung may hinala ang K4 na gawa ng malapit na katunggali ni de Castro ang naturang paninira.
Tinawag ni Defensor na walang basehan at malinaw na gawa-gawa lamang ang mga isyung ikinukulapol kay Kabayan.
Ipinaalala rin ni Defensor sa mga taong nasa likod ng paninira ang pulso ng tambayan na nagsasabing halos sisenta porsiyento o mahigit kalahati ng kabuuang botante sa bansa ay nagtataguyod na maluklok si Kabayan bilang bise presidente. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended