^

Bansa

Sen. Lacson kinastigo ng mga kongresista

-
Kinastigo ng mga kongresista ang naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na pamimili ng boto para kay Pangulong Arroyo ang pagpapalabas umano ng pondo para sa mga proyekto sa pagsasaka.

Sa sama-samang pahayag, sinabi nina Representatives Prospero Nograles (Davao City), Wilfrido Villarama (Bulacan) at Roque Ablan (Ilocos Norte) na walang katotohanan ang mga bintang ni Lacson kaugnay sa P728 milyong pondo para sa agrikultura.

Ayon pa kay Nograles, isa lamang panibagong panlilinlang sa taumbayan ang ginawa ni Lacson upang mapansin ang kanyang naghihingalong kandidatura sa pagka-pangulo.

"Maging si Agriculture Secretary Cito Lorenzo ay nagpahayag din na hindi pa naibibigay ang nasabing pondo dahil ginagawa pa ang mga patakaran para sa maayos na paggamit dito," paliwanag pa ni Nograles.

Sinabi pa ng chairman ng House committee on housing and urban development na walang kinikilangan ang pagpapalabas ng pondo para sa mga kongresista dahil bahagi ito ng kanilang tungkulin sa bayan.

"Anuman ang partido mo ay mabibigyan ng pondo, alam ni Lacson yan dahil isa siyang senador, yun bang ibinigay sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay bahagi pa rin ng pagbili ng boto para kay Ginang Arroyo, malaking kalokohan yan," sabi pa ni Nograles.

Maging si Villarama ay nagsabing pinakita lamang ni Lacson ang kanyang bias sa mga magsasaka. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AGRICULTURE SECRETARY CITO LORENZO

DAVAO CITY

GINANG ARROYO

ILOCOS NORTE

LACSON

MALOU RONGALERIOS

NOGRALES

PANGULONG ARROYO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

REPRESENTATIVES PROSPERO NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with