Dolphy patutunayang Pinoy si Da King
March 1, 2004 | 12:00am
LEGAZPI CITY, Albay - Nakahanda ang hari ng komedya na si Dolphy na tumestigo sa Supreme Court o anumang korte upang patotohanan na isang tunay na Filipino si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr.
Sa panayam kay Dolphy bago ito sumakay sa float ni FPJ para sa motorcade sa lalawigang ito, panahon pa ng Hapon ng makasama niya ang ama ni FPJ na si Fernando Poe, Sr. at isinasama pa noon si Ronnie ng kanyang ama sa kanilang mga shooting.
"Sixty years na ako sa movie industry at utang ko ang pagsikat ko sa ama ni Ronnie kaya alam na alam ko na isang tunay na Pinoy si FPJ dahil maliit pa ito ay nagpupunta na siya sa aming mga shooting ng tatay niya," wika pa ni Dolphy.
Aniya, kung kinakailangan na humarap siya sa high tribunal o anumang korte ay handa siyang tumestigo para patunayan na isang tunay na Pinoy ang hari ng pelikulang Pilipino.
Sinabi pa ni Dolphy, sa tagal ng pagkakakilala nila ng ama ni FPJ ay hindi niya nadinig ang pangalang Paulita Gomez kaya nagulat siya ng biglang lumutang ang pangalang ito pero "ang ama ni Fernando Sr. na si Aling Martha ay kilala ko dahil nakakasama pa ito minsan sa shooting."
Idinagdag pa ng hari ng komedya, nang malaman niya ang plano ni FPJ na tumakbong presidente ay ginawa na niya ang lahat para ma-discourage ito pero talaga anyang desidido si FPJ dahil na rin sa hindi matanggihan ang sigaw ng taumbayan na kumandidato na siyang pangulo.
Upang ipakita ang kanyang full-support sa kandidatura ni FPJ ay gagawa siya ng political ad kung saan ay ieendorso niya si Da King bukod sa sasama ito sa mga kampanya basta kaya ng kanyang katawan.
Sumama si Dolphy sa float ni FPJ sa motorcade nito sa pag-iikot sa buong lungsod ng Legaspi hanggang sa kalapit bayan na Sto. Domingo, Bacacay, Tabaco at Ligao. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended