^

Bansa

16-M Pinoy hindi binigo ni Noli

-
Hindi binigo ni K4 vice presidential candidate Sen. Noli "Kabayan" de Castro ang 16 milyong Pilipino na bumoto sa kanya noong 2001 bilang senador matapos siyang ideklara ng pinakahuling Pulse Asia survey na pinakamagaling sa Senado.

Si de Castro ang lumabas na may pinakamataas na rating para sa performance ng mga senador para sa naunang dalawang buwan ng 2004, ayon sa Pulse Asia.

Base sa survey, nagkaroon ng 67% approval rating si de Castro nitong Pebrero. Tumaas pa ito ng tatlong puntos kung ihahambing sa 64% grado na kanyang inani noong Enero.

Ayon kay lawyer Jessie Andres, spokesperson ni de Castro, ang resulta ng survey ay patunay lamang na hindi napahiya ang taumbayan matapos nilang iluklok sa Senado ang kanilang kandidato.

Sinabi ni Andres na alam ng taumbayan na hindi pa rin sila mabibigo kung susuportahan nila si de Castro sa pagka-bise presidente dahil subok na ang kakayahan at katapatan ng senador.

Bago ang performance rating ng mga senador ay lumabas din ang resulta ng Pulse Asia para sa mga vice presidentiables kung saan tinambakan ni de Castro ang kanyang mga kalaban.

Sa mga nakalipas na survey noong 2003 at sa kasalukuyang taon, nananatiling nasa unahan si de Castro na may milya-milyang lamang sa kanyang mga katunggali.

Dahil dito, sinabi ni Andres na hindi na dapat pagtakhan ang pangunguna ni de Castro sapagkat mismong ang mga survey ang magpapatunay na ang kanilang kandidato ay hindi lamang pang-Senado kundi pang-bise presidente pa. (Ulat ni Rudy Andal)

ANDRES

AYON

CASTRO

DAHIL

ENERO

JESSIE ANDRES

PULSE ASIA

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with