Transport strike sa Marso 8: Buong bansa lulumpuhin
February 27, 2004 | 12:00am
Desidido na ang mga higanteng transport groups na paralisahin ang lahat ng biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa ibat ibang lugar sa bansa sa Marso 8 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at hindi pag-aksiyon ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa P1.50 fare hike increase petition ng transport groups.
Nagwalk-out kahapon ang mga operators at drivers ng jeep sa hearing sa LTFRB matapos ipagpaliban ang pagdinig sa dagdag-pasahe na hinihingi nila.
Nadismaya ang mga operators at drivers ng pumayag ang LTFRB sa desisyon ng Office of the Solicitor General na sa Marso 16 pa dinggin ang kanilang petisyon sa katwirang wala pa silang hawak na kopya ng petisyon kaya hindi pa maaaring aksiyunan ang naturang kahilingan.
Bunsod nito, nagkakaisang inihayag nina Mar Garvida ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Zeny Maranan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Asso,, Boy Vargas ng Alliance of Transport Organization Drivers Asso. of the Philippines at Efren de Luna ng PCDO-ACTO na tuloy na tuloy at wala ng atrasan ang planong malawakang tigil-pasada sa Marso 8 dahil lubha na silang naaapektuhan ng sunud-sunod na taas ng presyo ng gasolina gayung di naman tinutugon ang kanilang matagal nang kahilingan na P1.50 minimum fare hike.
Inireklamo rin ang ipinatutupad na discount sa presyo ng diesel sa Metro Manila samantalang sa mga lalawigan ay nananatiling mataas ang presyo.
Sa Lunes, Marso 1 ay tanging mga sasakyang pampubliko na nakabase lamang sa probinsiya at maliliit na samahan ng transportasyon ang magsasagawa ng tigil-pasada pero sa Marso 8 ay kasama na lahat.
Sinabi naman ni LTFRB board member Felix Racadio na karapatan ng transport groups na mag-strike pero nakikiusap na maghintay muna sa hearing at tinutupad lamang nila ang isinasaad ng batas kaya hindi pa nakilos ang ahensiya hinggil sa petisyon.
Ipinaliwanag ni Racadio na kinakailangan anya ang rekomendasyon ng SOLGEN sa anumang petisyon na inihahain ng sinumang transport groups hinggil sa pagtataas sa pasahe upang di paghinalaang may pinapanigan ang ahensiya at maging patas sa desisyon.
Inatasan na ni Pangulong Arroyo si Energy Secretary Vince Perez upang personal na makipag-ugnayan sa mga oil distributors sa mga lalawigan na magbigay din ng discount sa presyo ng diesel.
Ayon sa Pangulo, mayroon ng hakbang na nabuo sa Cabinet meeting upang matulungan ang transport groups para kahit hindi magtaas sa singil sa pamasahe ay hindi maaapektuhan ang kanilang arawang kita.
Kabilang sa mga insentibong umanoy ibinibigay ng gobyerno sa transport groups ay ang pagbibigay ng discount sa diesel at pagpapababa sa taripa sa mga spare parts ng mga sasakyang pampubliko.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na kabilang sa mga hakbang na maaaring ipagkaloob ng pamahalaan para maiwasan ang pagtaas ng pasahe ay mapagkalooban ng fuel discount ang mga driver at operator sa lalawigan tulad ng benepisyong tinatamasa ng kanilang kasamahan sa Metro Manila. (Ulat nina Angie dela Cruz,Lilia Tolentino at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest