Matatag na peace & order isusulong ni Sen. Barbers
February 26, 2004 | 12:00am
Nangako kahapon si reelectionist Senator Robert "Bobby" Barbers na isusulong at itatag niya ang isang "strong infrastructure" hinggil sa kalagayang kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Ginawa ni Barbers ang pahayag kaugnay ng resulta ng survey na ginawa ng Makati Business Club na naglalahad na ang peace and order ang nananatiling pangunahing problema ng bansa.
Sinabi ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs na ang tumataas na insidente ng krimen sa bansa na may antas na mahigit 81,000 taun-taon sa loob ng limang taon ay nagpababa ng ating ranggo kumpara sa iba pang bansa sa Asya.
Ikinalungkot rin ng mambabatas mula sa Mindanao ang lumalaking bilang ng walang trabaho sa bansa na umaabot na ng 5 milyon at madadagdag pa rito ang mga bagong magsisipagtapos sa kolehiyo ngayong taon.
Ayon kay Barbers, ngayon ang panibagong pagkakataon para sa taong bayan na maiboto ang mga karapat-dapat na kandidato para maisalba ang bansa sa kahirapan, problema sa peace and order at mahikayat ang mga foreign investors oras na malutas ang kalagayang kapayapaan at kaayusan ng bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended