Sinabi ni Armed Forces of the Phils. Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, isasagawa ang opening ceremony ng RP-US joint military exercises dakong alas-9 ng umaga na gaganapin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ang Balikatan 2004 na lalahukan ng 2,500 tropang Kano at 2,300 naman mula sa mga sundalong Pinoy ay mag-uumpisa ngayon (Peb.23) at tatagal hanggang Marso 7, 2004. Ang training sites ay gaganapin sa Central Luzon at Puerto Princesa City sa Palawan.
Si Abaya ang magsisilbing guest of honor sa nasabing seremonya.
Sa pamamagitan ng Balikatan ay tuturuan ng US troops ang mga sundalong Pinoy na gumamit ng mga modernong armas pandigma habang sasanayin naman sa jungle fight ng militar ng bansa ang counterpart nito. (Ulat ni Joy Cantos)