Riot sa FPJ rally sumiklab
February 20, 2004 | 12:00am
Nagkasakitan at nauwi sa batuhan ang inaasahang matiwasay na kilos protesta ng magkaroon ng salpukan ang libu-libong mga tagasuporta ni presidential aspirant Fernando Poe, Jr. at 15,000 puwersa ng PNP na humarang sa kanila habang patungo sa Supreme Court kahapon.
Apat na pulis ang nasugatan makaraang pagbabatuhin ng mga ralista buhat sa grupong Peoples Movement Against Poverty (PMAP) na binomba naman ng tubig sa may España Ave.
Nagtipon-tipon muna sa Quirino Grandstand ang mga FPJ supporters at nagtangkang pumasok sa T. M. Kalaw, kanto ng Roxas Blvd. pero hindi sila nakalusot sa mga pulis kaya lumipat sa kanto ng Taft at Quirino Ave. pero puwersa pa rin ng mga pulis ang bumulaga sa kanila.
Ganito rin ang inabot ng mga tagasuporta ni FPJ sa UST at España sa Taft Ave. at Padre Faura.
Dahil hindi makalapit sa Korte Suprema, nagtipon na lamang sila sa Plaza Miranda at dito malayang inihayag ang kanilang hinaing at kahilingan sa mga mahistrado ng SC na paboran ang kanilang idolo hinggil sa disqualification case na dinidinig ngayon sa isinasagawang oral argument sa SC.
Nakipagpulong naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Ricardo de Leon sa mga pinuno ng mga ralista at pinakiusapang kusang tapusin na ang kanilang programa at buwagin ang rally dahil sa pagdinig lamang ng oral argument sa kaso ni FPJ ang isasagawa at wala pa namang desisyon na ipalalabas ang Korte.
Alas-2 ng hapon ng kusang mag-disperse na ang mga ralista matapos ang pakikipag-usap kay de Leon.
Kabilang sa nakisama sa kilos protesta sa Plaza Miranda ang mga artistang sina Conrad Poe, Armida Siguion-Reyna, Rez Cortez, Amay Bisaya, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Bella Flores, Efren Reyes, Jr. at Niño Muhlach na hinakot naman ang mga miyembro ng grupo niyang "Batang Panday". (Ulat nina Danilo Garcia,Gemma Amargo at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended