^

Bansa

5 presidentiables negatibo sa drug test

-
Negatibo ang naging resulta ng drug testing sa mga presidentiables na sina Pangulong Arroyo, Fernando Poe Jr., Sen. Panfilo Lacson, Eddie Gil at Bro. Eddie Villanueva.

Ito ang sinabi kahapon ng Comelec base sa mga isinumite nilang drug test certificates sa poll body.

Habang isinusulat ang balitang ito, tanging si Raul Roco ang hindi pa nakakapagsumite ng kanyang drug test result.

Dapat sana ay noong Feb. 8 deadline subalit dahil tumapat ito sa araw ng Linggo ay ini-extend ito hanggang kahapon.

Ang drug tests ay ipinag-utos ng Comelec sa mga kandidato ngunit hindi naman nila ito maaaring gamiting basehan upang idiskuwalipika ang mga kandidatong di susunod dito.

Si Pangulong Arroyo ay nagpa-test sa Jose Reyes Memorial Medical Center, samantala si FPJ ay sa Makati Medical Center.

Sa apat na vice presidentiables, tanging sina Sen. Noli de Castro at Sen. Loren Legarda ang nakapagsumite ng resulta na pawang negatibo rin.

May 31 senador na rin na nagsumite ng kanilang drug test certificates.

Ayon naman kay Comelec spokesman at Education and Information Division (EID) director Atty. Ferdinand Rafanan, kanilang ilalathala sa mga pangunahing pahayagan ang listahan ng mga kandidatong sumunod sa drug testing gayundin ang hindi sumunod. (Ulat ni Ellen Fernando)

COMELEC

EDDIE GIL

EDDIE VILLANUEVA

EDUCATION AND INFORMATION DIVISION

ELLEN FERNANDO

FERDINAND RAFANAN

FERNANDO POE JR.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LOREN LEGARDA

MAKATI MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with