^

Bansa

DPWH employees umalma, P8-M benepisyo hiniling na ibigay na

-
Mahigit sa 100 empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagreklamo dahilan sa umano’y hindi pagbibigay sa kanila ng P8 milyong benepisyo simula pa noong nakaraang taon.

Sa nakalap na dokumento at sa pahayag ng ilang mga manggagawa, umabot sa P8,673,702.12 monetization of leave credits ng mahigit sa 111 bilang ng mga manggagawa buhat sa iba’t ibang posisyon ang kasalukuyan pa ring hindi naipapamahagi sa kanila.

Ipinagtataka rin umano ng mga empleyado kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ibinibigay sa kanila ang nasabing benepisyo na dapat sana ay noong Disyembre 2003 pa ito ipinamahagi sa kanila matapos itong aprubahan ng Department of Budget Management (DBM) para ilabas ang halaga ng nasabing pondo.

Kinuwestiyon rin ng mga empleyado nito na kung bakit hindi ito inaaksiyunan ng mga top officials ng DPWH gaya nila Asst. Sec. Rafael Yabut, secretary for financial at DPWH Sec. Florante Soriquez.

Dahil dito, nangangamba ngayon ang mga DPWH employees kung patuloy umanong iipitin ng nasabing mga top officials ang kanilang leave benefit ay posibleng tuluyan nang hindi makarating sa kanila ang mga halagang kanilang makukuha at tuluyan na itong maibulsa ng mga opisyal dito.

Nilinaw pa ng mga empleyado na ayon sa Civil Service Commission ay maaaring i-convert ng mga kawani ng gobyerno ang kanilang leave credit sa cash basis. Hindi naman mahagilap ang mga opisyal ng DPWH na nabanggit upang hingian ng kanilang panig. (Ulat ni Gemma Amargo)

CIVIL SERVICE COMMISSION

DAHIL

DEPARTMENT OF BUDGET MANAGEMENT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DISYEMBRE

FLORANTE SORIQUEZ

GEMMA AMARGO

RAFAEL YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with