^

Bansa

Mga campaign materials sa puno pinaalis

-
Pinatatanggal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Comelec ang mga campaign materials na nasa mga puno dahil hindi naman ito ang dapat na paglagyan ng mga naturang posters.

Ayon kay DENR Sec. Elisa Gozun. ang puno ay isa lamang sa mga lugar na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga campaign poster. Ang ilan pa sa mga ito ay kinabibilangan ng tulay, kawad ng kuryente, post shrines at mga pangunahing kalsada.

Sinabi ni Gozun na hindi dapat na sinisira ng mga kandidato ang mga puno dahil isa itong likas na yaman na dapat pahalagahan.

Aniya, karamihan sa mga puno ay nasisira dulot ng mga staple wire na ginagamit ng mga kandidato sa pagdidikit ng kanilang mga campaign posters.

Hinihiling din nila sa mga kandidato ang pagpapatupad ng ‘no nails, no staple wires policy’ upang mapangalagaan ang mga puno. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

COMELEC

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DORIS FRANCHE

ELISA GOZUN

GOZUN

HINIHILING

PINATATANGGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with