^

Bansa

Ex-VP Doy Laurel pumanaw na

-
Pinangunahan ni Pangulong Arroyo ang sambayanang Pilipino sa pagpapaabot ng kalungkutan at pakikiramay sa naulilang pamilya ng sumakabilang buhay na si dating Bise Presidente Salvador "Doy" Laurel. Si Laurel, 75, ay namatay kahapon ng madaling araw sa Amerika sa sakit na cancer.

Isang ‘state funeral’ ang nais ni Pangulong Arroyo na ipagkaloob kay Laurel dahil sa ginawa niyang pakikipaglaban sa panunumbalik ng kalayaan ng bansa sa ilalim ng batas militar at rehimeng Marcos.

Bukod sa pagiging Bise Presidente, si Laurel ay nagsilbi ring Foreign Affairs secretary sa administrasyong Aquino. Nahalal din siyang senador bago nagdeklara ng martial law ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang pinakahuli niyang puwestong hinawakan ay ang pagiging chairman ng Centennial Commission noong panahon ni dating Pangulong Ramos. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AMERIKA

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE SALVADOR

CENTENNIAL COMMISSION

FOREIGN AFFAIRS

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PANGULONG RAMOS

SI LAUREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with