Bitay tigil muna - SC
January 29, 2004 | 12:00am
Nakahinga ng maluwag ang dalawang death convict habang nagdiwang naman ang kanilang mga pamilya matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) kahapon ang Supreme Court (SC) upang pigilin ang nakatakdang pagbitay sa kanila sa Enero 30 at magbigay ng isang buwang palugit para sa muling pagbubukas ng kanilang mga kaso.
Sa botong 7-6, pansamantalang sinuspinde ang execution kina Roberto Lara at Roderick Licayan at inatasan din ng SC si Bureau of Corrections (Bucor) director Dionisio Santiago at ang mga kawani nito na huwag magsagawa ng kahit na anong preparasyon sa pagsasagawa ng pagbitay.
Nakasaad pa rin sa tatlong pahinang resolution ng SC na patuloy na pag-aaralan nito ang petition ng Public Attorneys Office (PAO) na humihiling na muling buksan ang kasong kinapping nina Lara at Licayan dahil sa mga panibagong testimonya at ebidensiya na nakalap ng PAO matapos maaresto ang dalawa pang sangkot sa kaso at sabihing inosente ang dalawa.
Bunga nito, nakakita ng malaking pag-asa ang dalawang death convict na atasan ng SC si Marikina Regional Trial Court Judge Reuben dela Cruz na muling buksan ang kaso ng mga ito.
Una nang naghain ng 15-pahinang urgent motion to re-open the case with leave of court sa SC ang PAO sa paniwalang walang kasalanan sila Lara at Licayan at ang tunay na may sala ay ang mga nadakip na sina Pedro Mabansag at Rogelio delos Reyes na kasabwat di umano sa nabanggit na kaso.
Hiniling din ng PAO sa SC na ibalik sa mababang hukuman ang kaso nina Lara at Licayan upang muling madinig ang kaso at tanggapin ang mga bagong ebidensiya ng depensa kasama ng pagdinig sa mga bagong naaresto na sina Mabansag at delos Reyes.
Sina Lara at Licayan ay sangkot sa pagdukot sa Chinese businessman na si Thomas Co at sa tindera nitong si Linda Manaysay noong 1998.
Inihayag naman ng Palasyo na irerespeto ni Pangulong Arroyo ang naging desisyon ng SC.
Mula sa isolation room, sina Lara at Licayan ay ibinalik na sa dati nilang selda sa Maximum Security compound.
Sa isinagawang raffle kahapon sa NBP, 10 media entities ang nabunot para magsilbing mga saksi sa isasagawang execution sa NBP (Inquirer, Malaya, Kabayan, Bulgar, DZMM, RMN, ABS-CBN, Channel 13, Associated Press at AFP).
Kahit hindi natuloy ang pagbitay ay ang nabanggit na 10 media entities ang siya ring magsisilbing witness sa susunod na nakasalang sa execution.
Sa panayam naman sa ina ni Lara na si Belinda, 62, hindi natutulog ang Diyos at pinakinggan ang kanilang mga panalangin.
Nagbunyi rin ang mga kasamahang preso nina Lara at Licayan sa NBP at isang noise barrage ang isinagawa sa Maximum Security compound.
Ayon naman sa hipag ni Licayan na si Rosalina Hemio-Mantac, ngayon lamang nalaman ng pamilya ni Licayan ang sinapit ng naturang death convict.
Kung hindi pa aniya nabasa sa mga pahayagan at napanood sa mga telebisyon ay hindi pa malalaman ng asawa at mga anak ni Licayan na nakatakda na itong bitayin dahil limang taon aniyang walang komunikasyon si Licayan sa kanyang pamilya.
Kahapon ay pinasundo ni Monsignor Roberto Olaguer, chaplain ng NBP, mula sa Barangay Tabu, Ilog, Negros Occidental ang asawa ni Licayan na si Nenita at ang apat na anak nito na may edad 11, 9, 7 at 6-anyos. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended