$684-M Marcos wealth pinalalabas sa PNB
January 23, 2004 | 12:00am
Pormal nang iniutos kahapon ng Sandiganbayan First Division sa Philippine National Bank (PNB) na i-release ang $684 milyong Swiss deposits ng mga Marcoses na idineklara ng Korte Suprema na bahagi ng nakaw na yaman ng pamilya. Sa tatlong pahinang writ of execution, inutusan ng First Division ang sheriff na dalhin ang kautusan sa PNB kung saan nakadeposito ang nasabing nakaw na yaman ng mga Marcos simula noong 1997.
Ayon kay PNB First Senior VP Ma. Elena Sarmiento, ang pera ng Marcoses ay lumago ng $8 milyon noong 2003, kaya mula sa $676 milyon ito ay naging $684 milyon. Makikinabang sa nasabing salapi ang mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng agrarian reform. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended