^

Bansa

'Utak' sa pamemeke ng citizenship ni FPJ tinukoy ni Sotto

-
Isang opisyal sa ilalim ng Office of the President ang itinurong utak sa pamemeke umano ng citizenship ni Fernando Poe Jr.

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa kanyang privilege speech, dapat imbestigahan ng Senate blue ribbon committee si Director Ricardo Manapat ng records and archives division ng National Commission on Culture and Arts dahil sa pakikipagsabwatan upang palsipikahin ang marriage contract ng ama ni FPJ na si Allan Fernando Poe.

Ayon kay Sotto, pinalabas sa pekeng dokumento na ikinasal ang ama ni FPJ sa isang Paulita Gomez subalit ng magsagawa ng pag-imbestiga at pag-uusisa sa pamilya Poe ay walang ganitong nakarelasyon o pinakasalan si Allan Poe.

Aniya, ang tanging natatandaang Paulita Gomez ay ang karakter sa El Filibusterismo ni Gat. Jose Rizal na pamangkin ni Doña Victorina.

Wika pa ni Sotto, dapat lamang siyasatin ng blue ribbon committee ang ginawang pakikipagsabwatan ng isang opisyal ng gobyerno sa pamemeke ng public documents. (Ulat ni Rudy Andal)

ALLAN FERNANDO POE

ALLAN POE

CULTURE AND ARTS

DIRECTOR RICARDO MANAPAT

EL FILIBUSTERISMO

FERNANDO POE JR.

JOSE RIZAL

NATIONAL COMMISSION

OFFICE OF THE PRESIDENT

PAULITA GOMEZ

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with