Ayon kay AFP surgeon general Col. Rafael Regino, na kahit nagkaroon ng impeksiyon ang sugat sa kanang binti ni Robot ay minimal lamang ito o kontrolado pa para pagdesisyunang putulin rin tulad ng nangyari sa kanyang kaliwang binti.
Nabatid na nagkaroon ng "pinside" na impeksiyon ang pinagtusukan sa kanang binti ni Robot dahil sa pagkadurog ng istraktura ng buto nito sa tinamong mga sugat sa nasabing bahagi ng katawan.
Kung hindi anya makokontrol ang impeksiyon ay delikado rin ito dahil magkakaroon ng "syptic shock" kung saan pangunahing maapektuhan ang daloy ng dugo nito at posibleng humantong sa pagputol rin ng kanan nitong binti. (Ulat ni Joy Cantos)